Pwedeng gamitin ng International Criminal Court o ICC ang datos na inilabas ng Department Of Justice o DOJ kaugnay sa 52 kaso ng pagpatay sa isinagawang illegal drugs operations ng mga pulis na ikinasawi ng 56 indibidwal.
Ito ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay at aniya’y nasa ICC ang desisyon kung gusto man nilang gamitin ang mga impormasyon na ito.
Sinabi pa ni Sugay na patuloy na ire-review ng DOJ ang iba pang drug war related cases sa mga urban areas.
Noong Setyembre 15 nang i-anunsyo ng ICC na pinayagan na ng kanilang pre-trial chamber ang request ng kanilang prosecutor na simulan na ang imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings at iba pang mga krimen sa Pilipinas. —sa panulat ni Hya Ludivico