Sinermunan ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairman Cynthia Villar ang isang opisyal ng DOJ o Department of Justice.
Ito’y dahil sa kabiguan ng kagawaran na sampahan ng kaso ang mga nag-aangkat ng bawang sa bansa na sangkot sa iligal na cartel o pagmamanipula sa presyo nito.
Sa isinagawang pagdinig ng senado, kinuwesyon ni Villar si DOJ Assistant Secretary George Ortha II kung bakit hindi kumpleto ang isinumite nilang listahan ng mga sangkot sa garlic cartel.
Gayung batay sa impormasyon na nakuha ng senadora mula sa isang mamamahayag, lumalabas na nasa 75% kontrolado ng kartel ang presyuhan ng bawang at may mga pangalan din siyang nakuha.
Kasunod nito, ini-utos ni Villar sa Bureau of Plant Industry ang agarang pag-alis sa mga nasa listahan para makapag-angkat ng bawang gayundin ang paglalathala sa nasabing listahan.