Ipauubaya ng Justice Department sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iimbestiga sa kaso ng pamamaril sa isang pari sa Malaybalay sa Bukidnon.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hihintayin na muna nila ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Bukidnon PNP bago sila gumawa ng aksyon kung kinakailangan.
Mababatid na batay sa paunang report ng pulisya, pinagbabaril si Fr. Rene Regalado ng hindi pa nakikilalang gunman malapit sa Carmelite Monastery sa Barangay Patpat gamit ang .45 ng baril.
Kasunod nito, narekober ng mga tauhan ng PNP sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang ginamit na baril, dalawang magazines, at ilang mga bala. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)