Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation na tutukan ang pagkawala ng binatilyong si Reynaldo de Guzman alyas Kulot na huli umanong nakasama ni Carl Angelo Arnaiz bago napatay ng mga pulis sa Caloocan.
Simula pa noong Agosto 17 nawawala ang 14 anyos na si De Guzman o ang petsa na huli silang nakitang magkasama ni Arnaiz.
Aminado ang pamilya De Guzman na “bagong salta” lamang sila sa Cainta, Rizal kung saan naninirahan din si Carl habang inamin din ng pamilya Arnaiz na hindi pa nila lubusang nakikilala ang pamilya ni Kulot.
Samantala, ikinalugod naman ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta ang kautusan ng Department of Justice na imbestigahan ng N.B.I. ang kaso ni Arnaiz dahil mas mapapabilis ang pangangalap ng mga ebidensya gaya ng C.C.T.V. footages.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
SMW: RPE