Ipinauubaya na ng Department of Justice (DOJ) sa PNP–CIDG kung kakasuhan si dating PNP chief Oscar Albayalde at 13 iba pa sa nangyaring operasyon sa Pampanga nuong 2013.
Kasunod ito ng inilabas na Committee report ng Senate justice at Blue Ribbon Committee sa naging pagdinig nito sa isyu ng ‘ninja cops’ kung saan inirekomendang papanagutin si Albayalde at 13 mga pulis sa kanilang isinagawang operasyon.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kung mayroon basehan para makasuhan si Albayalde ay maari itong makatulong sa ginagawa namang imbestigasyon ng DOJ sa ‘ninja cops’.
Sa naging pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon, posibleng kasuhan ng graft si Albayalde dahil sa ginawang nitong pag protekta sa mga pulis na sangkot sa pag re-recycle ng iligal na droga nuong ito ay provincial director pa ng Pampanga.