Isinusulong ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya sa mga matatanda at may sakit na bilanggo bago pa man pumutok ang krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ipinabatid ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isa sa mga respondents sa petisyon sa Korte Suprema na humihiling na pansamantalang palayain ang mga bilanggong malaki ang tsansang mahawa ng COVID-19 dahil sa kanilang edad at kondisyong pang kalusugan.
Tumanggi nang mag komento pa si Guevarra dahil wala pa aniya siyang natatanggap na kopya ng nasabing petisyon.
Binigyang diin ni Guevarra na bago pa ang COVID-19 crisis sa bansa ipinag-utos na niya sa Bureau of Corrections at Board of Pardons and Parole na pabilisin ang proseso sa pagpapalaya o pagbibigay ng executive clemency sa mga matatanda at may sakit na bilanggo. —ulat mula kay Bert Mozo (3)