Inihayag ng Department of Justice na makapagbibigay-linaw na ngayon sa mga kasong nakasampa sa DOJ ang pagkakadakip sa dating bodyguard-driver-lover ni Senadora Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, itinuturing na missing link si Dayan sa mga reklamong isinampa laban kay De Lima.
Paliwanag pa ni Aguirre, ito na rin ang pagkakataon ni Dayan na linawin ang mga isyung may kaugnayan hinggil sa pagiging umano’y bagman ni De Lima para sa mga transakyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
By: Avee Devierte