Ititigil na ng Department of Justice o DOJ ang magpalabas ng hold departure order o HDO.
Kasunod ito ng ruling ng Korte Suprema na labag sa batas ang pagbabawal sa isang indibiduwal na makabiyahe sa labas ng bansa ng walang court order.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, bukod sa HDO ay hindi na rin sila pinayagang maglabas ng watchlist orders at Immigration lookout bulletin orders.
Tiniyak naman ni Guevarra na magsasagawa na lamang sila ng ibang paraan para hindi agad na makaalis sa bansa ang sinumang indibiduwal na may kinakaharap na kaso.
—-