Kukuwestiyunin ni Senador Bongbong Marcos ang Department of Justice (DOJ) kung bakit wala pang nakakasuhan hanggang ngayon sa mga responsable sa brutal na pagpaslang sa SAF 44.
Ito’y sa gagawing reinvestigation ng Senado sa Enero 25 hinggil sa malagim na sinapit ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force.
Ayon kay Marcos, isang taon na ang nakalilipas mula nang maganap ang Mamasapano massacre pero hindi pa nakakamit ng mga biktima ang hustisya sa kabila ng mga naglutangang ebidensya kabilang na ang mga video.
Naniniwala rin si Marcos na walang political agenda sa panibagong imbestigasyon sa kaso dahil hindi naman reelectionist ang nanawagan para ituloy ito na si Senador Juan Ponce Enrile.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)