Kumbinsido si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na malaki ang pagkukulang ng Commission on Human Rights na gampanan ng maayos ang kanilang tungkulin partikular ang pagiging “one sided” nito.
Ayon kay Aguirre, hindi nagagawa ng C.H.R. ang kanilang obligasyon na protektahan ang karapatang pantao ng patas sa lahat.
Inihalimbawa ng kalihim ang pananahimik ng komisyon sa massacre sa isang pamilya sa San Jose Del Monte, Bulacan at ang hindi nito pagkondena sa mga komunista at mga napatay na PNP-SAF Troopers sa Mamasapano, Maguindanao.
Nasa liderato anya ni C.H.R. Chairman CHITO gascon ang problema kaya’t ito ang mas naka-aalam kung anong dapat niyang gawin sa panawagang magbitiw ito sa pwesto.
Dagdag pa ni Aguirre na mistulang tinitingnan lamang ni Gascon ay kung sino ang nag-talaga sa kanya sa pwesto kaya’t may pinapanigan ang imbestigasyon nito sa mga paglabag sa karapatang pantao.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE