Kumpiyansa ang DOJ o Department of Justice na ibabasura ng Korte Suprema ang inihaing motion for certiorari ng kampo ni Senadora Leila de Lima.
Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na perferctly legal ang ginawang pag-aresto sa senadora.
Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit kinuwestyon ito ng senadora gayong noong kalihim pa ito ng DOJ ay naghain rin ito ng kaso sa Regional Trial Court laban kina dating Pangulong Gloria Arroyo, mga dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos at Alfredo Benipayo.
Matatandaang umapela sa Supreme Court si De Lima para hilinging magpalabas ng temporary restraining order (TRO) sa pagdinig ng kanyang kaso at status ante order sa ipinalabas na warrant of arrest.
By Rianne Briones