Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na malulutas at matutukoy ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero sa tulong ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation.
Kasunod ito ng pahayag ng NBI na mayroon na silang lead sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi malayong walang maiiwang bakas sa pagkawala ng 34 na sabungero sa halos magkakaparehong sitwasyon.
Sa pinakahuling pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni Police Maj. Gen. Eliseo Cruz ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na mayroon na silang hawak na 6 na testigo sa kaso.
Ayon kay Cruz, nagdesisyon silang hindi na muna iharap sa hearing ang anim na testigo at ipapakita na lamang ang mga ito sa proper forum o sa prosecution office.
Sa ngayon, patuloy pang nakikipag ugnayan ang PNP at NBI sa pamilya ng mga nawawalang sabungero. —sa panulat ni Angelica Doctolero