Maaaring ireklamo ng grave abuse of discretion ang Department of Justice (DOJ) kapag ipinilit ang pagpapalaya sa convicted rapist -murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Ito ay ayon kay Minority Floor Leader Franklin Drilon na siyang Justice secretary noong nahatulan ang dating alkalde.
Sinabi ni Drilon, kanyang tutulungan ang pamilya Sanchez na iakyat sa korte ang usapin para kuwestiyonin ang discretion ng DOJ para palayain si Sanchez.
Iginiit ni Drilon, hindi kuwalipikado si Sanchez sa bagong batas ukol sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) lalo’t malinaw na hindi ito nagkaroon ng satisfactory behavior matapos masangkot pa sa transaksyon ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.
Kasabay nito, nanawagan si Drilon sa DOJ na ipagpaliban ang pagkunsidera sa aplikasyon ni Sanchez hagga’t hindi nabibigyang linaw ang Good Conduct Time Allowance law.
with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)