Pinag aaralan ng DOJ ang posibilidad na magpalabas ng look out bulletin laban sa 5 Police General na una nang ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng illegal drug trade
Gayunman sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nais muna nilang makatiyak na makakasuhan muna ang mga naturang heneral bago isailalim sa look out bulletin ang mga ito
Kabilang sa mga nasabing heneral sina dating PNP Deputy Director Marcelo Garbo ngayo’y Mayor Vicente Loot ng Daanbantayan, Cebu at mga aktibong heneral na sina Joel Pagdilao, Bernardo Diaz at Edgardo Tinio
By: Judith Larino