Bibigyan ng Department of Justice (DOJ) ng dagdag na seguridad si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at iba pang opisyal ng Bilibid dahil posibleng banta sa kanilang buhay.
Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na ipinapatupad na paglilinis sa katiwalian sa loob ng New Bilibid Prison.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, handa siyang kunin ang atensiyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Interior and Local Government (DILG) sakaling totoo ang banta sa buhay ni Bantag.
Una nang lumutang ang balitang kasama si Bantag at si Philippine National Police (PNP) Directorial Staff Chief Guillermo Eleazar sa hitlist ngayon ng mga drug cartel sa bansa.