Itinakda ng Department of Justice (DOJ) magpupulong ang mga miyembro ng gabinete ng pamahalaan na kabilang sa security, justice at peace clusters sa Biyernes, Enero 31.
Ito’y ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra ay upang matalakay ang planong pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Dagdag ni Guevarra, bubuo na rin sila ng rekomendasyon hinggil sa mas mainam na paraan o proseso sa pagpapatupad ng termination ng VFA na siya namang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Maliban sa DOJ, kabilang din aniya sa nabanggit na pulong ang Department of Foreign Affairs, National Defense, Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, National Intelligence Coordinating Agency at Office of the Executive Secretary.
Una nang inatasan ng Pangulo ang DOJ na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa proseso ng pag-terminate sa VFA gayundin ang posibleng epekto nito sa bansa.