Nakatakdang bumuo ng Tatlo hanggang Lima kataong panel ang Dept of Justice para hawakan ang preliminary investigation sa kasong drug trafficking laban kay Senador Leila de Lima at Anim na iba pa.
Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mayroong hurisdiksyon ang DOJ sa kaso ni De Lima.
Taliwas ito sa pahayag ni De Lima na dapat ay sa Office of the Ombudsman isinampa ang kanyang kaso.
Ayon kay Aguirre, batay sa ibat ibang desisyon ng Korte Suprema, mayroong parehas na hurisdiksyon ang DOJ at ang Ombudsman ibig sabihin ay puedeng dinggin ng DOJ ang kaso ni De Lima at puwede rin sa Ombudsman.
By: Len Aguirre