May nakikita nang development ang Department of Justice o DOJ sa kaso ng nawawalang 34 na sabungero.
Ayon kay Justice secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, nakatakda siyang makipagkita sa ilang testigo sa susunod na linggo na maaaring maikonsiderang saksi sa nangyari.
Inihayag ito ni Remulla kasabay ng pagpapahiwatig na asahan ang malaking development patungkol sa kaso sa susunod na sampung araw.
Sinabi naman ng kalihim ng DOJ na mahalaga ang nakatakdang pulong para sa itatakbo ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Una rito, nakipagkita na rin si Remulla sa pamilya ng mga nawawalang sabungero kung saan dito niya ipinaliwanag ang implikasyon ng paggamit ng terminong “dead sabungeros” para sa kanilang kaso.