Nangako ang Department of Justice (DOJ) na mapaparusahan ang mga taong responsible sa pagkasunog ng factory ng tsinelas sa Valenzuela City na ikinasawi ng 72 katao.
Ayon kay DOJ Secretary Leila de Lima, hinihintay na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) bago sampahan ng kaso ang mga kinauukulan.
Siniguro pa ni De lima na naghihintay na ang mga kasong kriminal, administratibo at sibil sa mga taong nagkaroon ng kapabayaan kaya’t nangyari ang sunog.
By Rianne Briones