Umapela na sa Korte Suprema ang Department Of Justice upang hilingin na gawin sa Metro Manila ang mga pagdinig sa mga kasong isasampa laban sa mga naarestong miyembro ng Maute Group.
Batay sa dalawang pahinang liham na ipinadala ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ipinaliwanag ng kalihim ang sitwasyon sa Cagayan de Oro City nang magsagawa sila ng inspeksyon.
Nadiskubre ng kalihim na walang maayos na detention facilities sa naturang lungsod para sa mga maaarestong miyembro ng Maute kaya’t hindi aniya ito ligtas.
Binigyang diin pa ng kalihim sa punong mahistrado na nangangamba rin para sa kanilang seguridad ang mga miyembro ng hudikatura gayundin ang national prosecution service sa lugar na siyang hahawak sa mga pagdinig.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo