Nag isyu ng summon order ang Department of Justice (DOJ) para sa mga lider ng ilang militanteng grupo.
Kaugnay ito sa umano’y massive recruitment ng mga kabataan para maging miyembro ng maka kaliwang grupo.
Kabilang sa mga respondent ng subpoena sina Kabataan Party List Representative Sarah Elago, Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, dating Akbayan Representative Tom Villarin, Anakbayan Youth Spokesperon Alex Danday at Anakbayan Chairperson Vencer Crisostomo.
Pinahaharap din sa imbestigasyon ng DOJ sa August 27 at September 10 at 24 sina Chariel Del Rosario, Bianca Gacos, Jayroven Villafuente Balais at Einstein Recedes.
Malalaman sa preliminary investigation kung may basehan ang pagsasampa ng kasong child abuse at trafficking laban sa mga naturang personalidad matapos mapabilang ang Anakbayan sa mga grupong sinasabing front organization ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Magugunitang lumutang ang ilang magulang sa pagdinig ng senado at inakusahan ang Anakbayan ng anila’y pag kumbinsi sa kanilang mga anak na maging miyembro ng militanteng grupo.