Nagbabala ang Department of Justice-Office of Cybercrime (DOJ-OOC) sa mga kumakalat na malaswang bidyo na link sa Facebook.
Sinabi ng DOJ-OOC, ang malisyosong link ay tina-tag sa isang user kung saan dapat huwag itong i-click para hindi ma-modus.
Dagdag pa ng DOJ-OOC, na inalis na ng Facebook management ang malisyosong page na kinokonekta sa pagta-tag sa isang user.
Sa ngayon, ayon sa DOJ pinarusahan na ang mga nasa likod ng modus na ito sa Facebook. — sa panulat ni John Jude Alabado