Naghain ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) upang mailipat ng kulungan ang umano’y Drug Lord na si Rolan ‘Kerwin’ Espinosa patungong regular na Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ito ay matapos alisin si Espinosa sa witness protection program para sa kasong may koneksyon sa droga laban dito at sa inakusahang kasama nito na si Peter Go Lim.
Tiniyak naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na hindi maaapektuhan ng nangyari ang naka-pending na kaso laban kay Espinosa. —sa panulat ni Abigail Malanday