Hiniling ng Department of Justice sa Korte na maglabas ng hold departure order laban sa drug personality na Peter Go Lim.
Dumulog sa Makati Regional Trial Court Branch 65 ang mga DOJ prosecutors para ihirit ang pagpigil sa posibleng paglabas sa bansa ni Lim.
Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, maituturing na isang flight risk si Lim.
Paliwanag ni Navera posibleng magtangka pang lumabas ng bansa si Lim lalo’t wala pang warrant of arrest laban dito matapos maharap sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading.
Kampo ng negosyanteng si Peter Lim hindi susuko sa paglalatag ng ligal na hakbang upang makaiwas sa pagkaka-aresto
Hindi susuko ang kampo ng negosyante at bigtime umanong drug lord na si Peter Lim sa paglalatag ng mga ligal na hakbang upang baligtarin ang naunang desisyon ng Department of Justice kaugnay sa kanyang kaso.
Ayon kay Dioscoro “Jun” Fuentes, tagapagsalita ni Lim, naiintindihan naman niya ang kahandaan ng mga otoridad na isilbi ang warrant of arrest sa oras na ilabas ito bilang kanilang tungkulin.
Gayunman, umaasa anya sila na magiging patas at walang lalabaging batas ang Philippine National Police sakaling ilabas ang mandamiyento de aresto.
Samantala, tiniyak ni Fuentes nananatili sa Cebu si Lim subalit tikom sa tanong kung susuko ito sa mga otoridad.
Magugunita noong Biyernes ay nakakita ang DOJ ng sapat na ebidensya upang idiin si lim kasong “conspiracy to commit illegal drug trade” na isang non-bailable offense.
Haharap ang kontrobersyal na negosyante sa paglilitis Sa Makati City Regional Trial Court na maaaring mag-issue ng arrest warrant.