Nagpalabas na ang Department of Justice ng look-out bulletin order laban sa sinasabing bigtime gaming operator ng Luzon na si Jack Lam.
Kasabay ng pagpapalabas ng LOB, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Bureau of Immigration na bantayan ang posibleng paglabas o pagdating sa bansa ni Lam at kaagad itong ipaalam sa DOJ at PNP.
Batay sa pinakahuling monitoring ng Bureau of Immigration, sinasabing lumipad na patungong Hong Kong si Lam sakay ng Cathay Pacific Flight CX-918.
Nagawang makalabas ng bansa ni Lam bago pa man ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na arestuhin ito sa kasong bribery at economic sabotage.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo