May bagong tagapagsalita ang Department of Justice.
Kasunod ito nang pagtatalaga ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Assistant Secretary Neal Vincent Bainto bilang deputy spokesperson.
Nakasaad sa direktiba ni Guevarra na tutulong si Bainto kay Undersecretary at spokesman Markk Perete sa pagbibigay impormasyon sa publiko sa mga usapin sa DOJ.
Otomatiko ring magiging tagapagsalita ng ahensya si Bainto kapag wala si Perete.