Hinimok ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na magtulungan para mapanagot ang mga sangkot sa anomalya sa PhilHealth.
Ani Herrera, mainam na magkaroon din ng hiwalay na imbestigasyon ang DOJ at NBI habang nagsasagawa rin ng oversight function ang kongreso.
Posible kasi umanong binura ng PhilHealth ang ilang mahahalagang files na maaaring maging ebidensya sa sinasabing bumabalot na kurapsyon sa ahensya.
Una rito, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na bumuo ng task force na magsasagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth gayundin ang pag-audit sa finances ng ahensya at pagsasailalim sa lifestyle check ng mga opisyal at empleyado nito.