Papangalanan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung sinu-sino sa Department of Justice (DOJ) lalo na sa New Bilibid Prisons (NBP) ang kanilang iniimbestigahan dahil sa katiwalian sa tamang panahon.
Tugon ito ni Aguirre sa katanungan kung kabilang si Father Bobby Olaguer, Chaplain sa NBP sa mga iniimbestigahan na posibleng dahilan kayat nagbitiw na ito sa kanyang posisyon.
Ayon kay Aguirre, nais muna nilang makaipon ng sapat na ebidensya upang hindi naman makasira ng pangalan ng mga nasasangkot.
Sa ngayon anya ay halos araw-araw pa rin ang paghahalughog na ginagawa ng Special Action Force sa mga detention cells sa NBP.
Halos umaabot na anya sa 200 ang nakumpiska nilang cellphones subalit tila hindi maubos-ubos ang ideya ng mga presyo kung saan ito itatago.
Tinukoy ni Aguirre ang paggamit sa suwelas ng tsinelas kung saan nakita ang charger at cellphone ng drug lord na si Peter Co.
By Len Aguirre