Nilinaw ng Department of justice na nasa hukuman na ang pagpapasya kung dapat pa bang palawigin ang ipinagkaloob na pansamantalang kalayaan sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon at sa iba pang kasama sa peace talk panel sa pagitan ng gobyerno at makakaliwang grupo.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maghihintay na lamang sila kung ano ang magiging tugon ng korte sa oras na mapaso ang nasabing temporary liberty.
Paliwanag ng kalihim, kapag hindi inextend ang temporary liberty ng mag-asawang Tiamzon at ng iba pa, nangangahulugan lamang na dapat silang bumalik sa kulungan at harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanila.
Sa ngayon, sisilipin pa lamang, aniya, ng pamahalaan kung hanggang kailan ang piyansa ng mga lider ng NPA.
Paliwanag ng kalihim, kung walang renewal ng kanilang temporary liberty, maituturing na pugante ang mga ito.
By: Avee Devierte / Bert Mozo