Tuluy-tuloy ang ginagawang exhumation sa mga labi ng mga batang naturukan ng kontrobersyal na anti – dengue vaccine na Dengvaxia para isailalim sa autopsy ng PAO o Public Attorney’s Office.
Ayon iyan kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre makaraang magkasusap sila nila Health Sec. Francisco Duque III at Presidential Spokesman Harry Roque sa harap na rin ng panawagan ng ilang mga doktor na itigil na ng PAO ang ginagawa nitong autopsy.
Alas 3:00 mamayang hapon, nakatakdang humarap ng DOJ, PAO at ng VACC kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang naturang usapin at upang ilatag ang mga kinakailangang hakbang para rito.
Giit pa ni Aguirre, malinaw ang pangangailangan para sa isang mapagkakatiwalaang eksperto tulad ng isang clinical pathologist para suriin ang mga bangkay ng mga batang naturukan ng Denvaxia upang magkaroon ng isang matibay na opinyon sa usapin.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio