Palalakasin ng Department of Justice ang Cyber Security Measures nito kasunod ng Global Ransomware Attack noong mga nakalipas na araw.
Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation at Office of Cybercrime Department na mas lalong paigtingin ang Cyber Security Measures.
Ang kautusan ng kalihim ay kasunod na rin ng babala ng Department of Information and Communications Technology kaugnay ng ransomware attack sa ibayong dagat partikular na sa Russia at EU.
Kabilang sa mga bansa na apektado ng ransomware attack ang health system ng Britain, Interior Ministry ng Russia, Spanish Telecommunications Giant Telefonica, at U.S. Courier Firm Fedex.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo