Pinag-aaralan na ng Departmnet of Justice (DOJ) ang posibleng pagsasagawa ng mass coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City kung saan 19 na bilanggo at isang staff member ang nag positibo sa virus.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakikipag usap na sila sa ilang grupo kabilang ang Red Cross para sa pagsasagawa ng mass testing sa correctional.
18 pang bilanggo at isang staff member sa correctional ang nag positibo sa COVID-19 ilang araw matapos inanunsyo ng bureau of corrections ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 dito na isang 72 taong gulang na bbae na mayruong diabetes at na diagnose ng community acquired pneumonia.
Ayon kay Guevarra inatasan na nila ang coreectional na kaagad i-isolate ang mga nasabing kaso sa kanilang quarantine facilities at kaagad isugod sa ospital ang sinumang bilanggo na magpapakita ng malalang sintomas.