Pinaghihinay-hinay ng Department of Justice (DOJ) ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pag-aresto sa sinumang magsasampa ng kasong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Paalala ni Justice secretary Menardo Guevarra sa PNP, hindi labag sa batas ang pagsasampa ng kasong impeachment kaya walang ligal na basehan para arestuhin ang sinumang gagawa nito.
Aniya, may iilan lamang na sitwasyon na pinapayagan ng batas ang warrantless arrest ngunit hindi kabilang dito ang impeachment complaint.
Sa huli, siniguro ni Menardo na ang DOJ ay susunod at tatalima sa itinatakda ng batas.
Una nang ipinahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde na tatalima sila sa naging pahayag ng pangulo na aarestuhin at ipakukulong ang mga taong magpapa-impeach sa kanya.