Pinahaharap ng Department of Justice (DOJ) ang 13 tinaguriang nga ninja cops na sangkot sa maanomalyang drug operation sa Pampanga noong 2013.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang muling pag-iimbestiga sa naturang kasunod ng naging pagdinig sa Senado.
Pinadadalo ng panel of prosecutors ang grupo ni Police Major Rodney Baloyo sa gagawing reinvestigation ng DOJ kaso sa October 16, alas diyes ng umaga.
Inakusahan ang grupo ng pagtatanim ng ebidensiya at pag – recycle ng nakumpiskang droga mula sa isang suspected drug lord na si Johnson Lee sa Mexico, Pampanga.
Ang tinaguriang mga ninja cops ay dating nasa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Oscar Albayalde noong siya ay pinuno pa ng Pampanga police office.