Pinasisiyasat ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y pagmamanipula sa presyo ng baboy at iba pang pagkain.
Kasunod ito ng paglalabas ng price cap sa mga karneng baboy at manok sa Metro Manila at pork holiday ng ilang grupo ng mga magbababoy at magmamanok.
Batay sa kautusan ng DOJ, binibigyang awtorisasyon nito ang NBI para magsagawa ng imbestigasyon sa posibleng paglabag sa price act.
Sakaling mapatunayan maaaring sampahan ng kaso ng NBI sa mga responsable sa pagmanipula sa presyo ng baboy at iba pang pagkain.