Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Kongreso na agarang aksyunan ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon nito dahil sa paso na ang prangkisa ng media network.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi napapanahon ang pagpapasara sa ABS-CBN ngayon dahil sa nararanasang krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Dahil dito aniya umaasa siyang agad a-aksyunan ng Kongreso ang apela hinggil sa renewal ng prangkisa ng nasabing network.
Aniya, ginawa naman ng ABS-CBN ang mga dapat nitong gawin gaya ng pag-aaply nito ng renewal bago pa mapaso ang kanilang prangkisa.