Pinakakasuhan sa korte ang dating PBA Player na si Dorian Pena matapos makitaan ng Department of Justice ng probable cause ang inihaing reklamo laban sa kanya ng NBI.
Sa inilabas na resolusyon ng DOJ na noong may 12, si Pena ay pinasasampahan ng reklamong paglabag sa Section 15 ng Republic Act 9165 o use of Dangerous Drugs.
Naaresto si Pena at iba pang respondent sa isinagawang buy bust operation ng NBI sa isang condominium unit sa Merryland Village sa Mandaluyong City nuong May 10.
Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu, ilang piraso ng drug paraphernalia at weighing scale.
Samantala, ipinagpaliban muna ng DOJ ang resolusyon sa reklamong paglabag sa section 7 ng RA 9165 o Visiting a Drug Den laban kay Pena dahil kinakailangan pa munang madesisyunan ang paglabag sa section 6 ng RA 9165 o maintaining a drug den na inihain laban sa dalawa pang akusado sa kaso.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo