Pinayagan na ng Deparment of Justice (DOJ) ang pag-release sa mga nakumpiska at naka-impound na medical supplies.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, mag iiwan na lamang sila ng representative samples para magamit na ebidensya sa mga nag hoard o illegal na nagbebenta ng medical supplies.
Sinabi ni Guevarra na ire release ito sa frontline agencies tulad ng dept of health upang sila na mamahala kung saan ito dapat mapunta.
Nito lamang nakaraang linggo, nasa 1,500 thermal scanners at P1-M halaga ng face masks ang nakumpiska ng (NBI) sa mga nagbebenta nito sa mas mataas na presyo.