Nakakita ng pagasa ang pamilya Jonson na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng artist na si Bree.
Ito’y matapos pormal nang sampahan ng DOJ ng kasong Possession of Illegal Drugs si Julian Ongpin.
Ayon kay Atty. Maria Moreni “Em” Salandanan, Legal Counsel ng pamilya ni Bree, naging masaya ang pamilya Jonson dahil kahit papaano ay maryoong kasong naisampa laban kay Julian.
Nagkataon pa aniyang naisampa ito sa ika tatlumpung araw ng pagkamatay ni Bree.
Magugunitang, noong Setyembre 18 natagpuan ng mga pulis mahigit 12 gramo ng cocaine sa loob ng hotel room ni Ongpin sa beach resort sa San Juan, La Union kung saan natagpuang wala nang malay si Jonson.