Aarangkada na ngayong araw ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa 81 million dollar money laundering scandal.
Unang isasalang ng DOJ sa kanilang paunang imbestigasyon ang kasong isinampa laban kay dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos – Deguito.
Inaasahang sasagutin ni Deguito ang reklamo laban sa kanya ng Anti Money Laundering Council o AMLC dahil sa paglabag sa Section 4 ng Anti-Money Laundering Act.
Maliban sa mga opisyal ng AMLC, ipinatatawag din ng DOJ ang mga taong may alias Michael Francisco Cruz, Jessie Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez.
Sila umano ang nagmamay-ari ng mga binuksang bank accounts ni Deguito kung saan idineposito ang 81 million dollars na ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank.
By Jaymark Dagala