Posibleng arestuhin ng pulisya at iba pang mga law enforcement agents ang mga lalabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maaaring masampahan ng reklamong resistance or disobedience to a person in authority ang sinomang lalabag.
May parusa aniya itong pagkakakulong ng hanggang anim na buwan at multang hanggang P100,000
Habang ang mga manlalaban naman sa pag-aresto ay maaaring mapatawan ng prison correccional at multang hanggang P200,000.
Sinabi ni Guevarra, alinsunod aniya ito sa Article 151 ng revised Penal Code at Republic Act 11332 o act providing policies and prescribing procedures on surveillance and response to notifiable diseases, epidemics and health events of public health concern.
Kasabay nito, tiniyak ni Guevarra na hindi aabot sa deklarasyon ng martial law ang pagpapatupad ng mga bagong guidelines para sa enhanced community quarantine sa buong Luzon.