Pumalag ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa naging pahayag ng human rights group na wala umanong nagbago sa sitwasyon ng iligal na droga at karapatang pantao mula nang manungkulan bilang pinuno ng bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Justice secretary Crispin Remulla, magkakaiba umano ang paraan ng Administrasyong Marcos pagdating sa pakikipaglaban sa iligal na droga.
Sinabi ni Remulla na maaaring namang kausapin ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa kanilang metodolohiya o pamamaraan sa pagsugpo ng iligal na droga kung saan, kanila ding iba-validate ang ulat o impormasyong inilabas ng nasabing grupo.
Iginiit din ni Remulla na nakatutok ang gobyerno sa mga kaso katulad ng extrajudicial killings kung saan, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at pagdinig sa naturang kaso.