Pinagbigyan ng Department of Justice o DOJ ang apela ng Bureau of Internal Revenue o BIR na iurong na ang tax evasion complaint laban sa Mighty Corporation.
Ito ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay matapos mabuo ang compromise deal sa pagitan ng BIR at Mighty Corporation.
Sinabi ni Aguirre na nakasaad naman sa batas na uubrang pumasok sa compromise agreement ang BIR para na rin sa interes ng nakakarami o ng publiko.
Maguguntiang pumapalo sa halos 38 billion pesos ang umano’y utang sa buwis ng nasabing cigarette company dahil sa hindi pagbabayad ng excise taxes at paggamit ng counterfeit tax stamps sa mga pakete ng sigarilyo nito.
—-