Kumpiyansa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na papaboran ng Korte Suprema ang Proclamation 216 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdideklara ng batas militar sa buong mindanao.
Inihayag ito ng kalihim kasunod ng ulat na posibleng ilabas na ngayong araw ng high tribunal ang kanilang desisyon kaugnay sa inihaing mga petisyon na kumukuwesyon sa ligalidad ng nasabing deklarasyon.
Ayon kay Aguirre, nag-uumapaw ang mga ebidensya na susuporta sa deklarasyon ng Pangulo lalo’t malinaw namang may pangangailangan para ibaba ito.
Magugunitang kabilang sa nasabing petisyon ng mga tutol sa Martial Law ang argumentong hindi rebelyon ang nangyari sa Mindanao kundi terorismo kaya’t walang pangangailangan para ibagsak ang batas militar dahil kaya naman ito ng mga sundalo at pulis.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
DOJ SA paglalabas ng desisyon hinggil sa martial law sa Mindanao was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882