Hinamon ngayon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Senate Minority Leader Franklin Drilon na ilabas ang ebidensya sa alegasyon nitong may balak ang DOJ na iligtas sa kasong plunder sina former Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Ginawa ni Aguirre ang pahayag matapos lumabas sa Senate Budget Deliberation noong nakalipas na linggo na kulang ng isang libo piso ang narekober na Limampung Milyong Piso na bribe money kina Argosino at Robles.
Banat ni Aguirre, puro lamang ispekulasyon si Drilon ngunit wala namang inilalabas na matibay na ebidensya.
Depensa ng kalihim, maaring nasa bangko ang pagkakamali o may ibang dahilan kung bakit nagkulang ng isang libong Piso ang naturang bribe money.
Una ng kinwestyun ni Sen. Drilon ang hindi pagsasampa ng kasong plunder kina Argosino at Robles kaugnay sa bribe money na sinasabing tinanggap nila mula kay gambling tycoon Jack Lam.