Walang nakikitang problema si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pag-iinhibit sa imbestigasyon ng pagkakapatay ng mga pulis-Caloocan sa 17-anyos na si Kian Delos Santos.
Tugon ito ni Aguirre sa panawagan ni Senadora Risa Hontiveros na mag-inhibit ang kalihim dahil sa pagiging one-sided umano nito sa kaso.
Kasabay nito, pinatutsadahan ni Aguirre si Hontiveros na dapat namang mag-inhibit sa imbestigasyon ng Senado si Hontiveros na kwestyonable naman aniya ang pagiging patas at impartiality nito.
Sinabi pa ni Aguirre, mistulang kulang aniya sa kaalaman si Hontiveros sa panloob na trabaho ng DOJ dahil sa ang national prosecution service aniya ang tumatrabaho sa mga criminal complaint at hindi siya.
By Ralph Obina