Nagtalaga si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng OIC o Officer In Charge sa Bureau of Corrections sa katauhan ni BUCOR Administrative Division Chief Rey Raagas.
Ito’y makaraang magbitiw si BUCOR Director General Benjamin Delos Santos matapos mabunyag na muling nagbalik ang kalakalan ng iligal na droga sa loob mismo ng NBP o National Bilibid Prisons.
Batay sa Department Order ni Aguirre, inatasan nito si Raagas na pamunuan ang day-to day operations ng BUCOR partikular na ang tungkulin ng isang Director General upang hindi mabalam ang operasyon nito.
Una nang inirekumenda ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte si Retired AFP Chief General Dionisio Santiago bilang kahalili ni Delos Santos ngunit itinalaga naman ito bilang Chairman ng DDB o Dangerous Drugs Board.
By: Jaymark Dagala
DOJ Sec. Aguirre nagtalaga na ng OIC para sa BUCOR was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882