Sasampahan ng ethics complaint ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senador Risa Hontiveros matapos nitong isapubliko ang palitan ng text messages ng kalihim kay dating Negros Oriental Representative Jacinto “Jing” Paras.
Ayon kay Aguirre, ihahain niya sa susunod na linggo ang reklamo sa Senate Committee on Ethics dahil sa paglabag ni Hontiveros sa Bill of Rights hinggil sa privacy of communications at Republic Act 4200 o anti-wiretapping act.
Ikinakasa rin ng kalihim ang isang civil complaint dahil umano sa paglabag sa kanyang constitutional right to privacy of communication at criminal complaint dahil naman sa paglabag sa RA 4200 laban sa senador.
Magugunitang sinupalpal ni Aguirre si Hontiveros makaraan nitong isapubliko ang larawan ng palitan ng text message sa kanyang privilege speech.
SMW: RPE