Sinagot ng Department of Justice ng kontra-hamon ang paghahamon ni Senadora Leila de Lima na arestuhin na siya kung inaakalang may kasalanan o sangkot ito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kung iyon ang nais ni De Lima, hinamon niya itong aminin ang mga pagkakasalang kaugnay ng mga paglobo ng operasyon ng droga sa pambansang piitan upang matupad ang hangad niyang hulihin siya.
Pasaring pa ni Aguirre kay De Lima ba bago ito yumakyak nang yumakyak, patunayan muna, aniya, nito ang kanyang alegasyon na tinakot at tinorture ang mga testigo ng Justice Department upang magsalita laban sa kanya
By: Avee Devierte / Bert Mozo