Tinawag na “Poncio Pilato” ni Albay Representative Edcel Lagman si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon kay Lagman , tila naghuhugas kamay ang kalihim sa pagkaka – abswelto sa kasong may kinalaman sa illegal na droga nina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.
Dagdag pa ni Lagman, hindi maaaring magkunwari si Aguirre na hindi niya alam sa simula pa lamang ang desisyon ng panel of prosecutors na nagrekomendang ibasura ang inihaing reklamo ng CIDG laban sa mga bigtime drug lords.
Iginiit pa ni Lagman na dapat batid ng kalihim ang itinatakbo ng kaso dahil mismong si Espinosa na ang umamin na siya ay drug lord habang si Pagulong Rodrigo Duterte naman ang siyang nag-akusa kay Lim.